Huwebes, Marso 6, 2014

February 2, 2014.. our first date (last part)

Nagpasya kaming magpunta ng Supermarket para bumili ng food supplies ni Lucha. Balak ko sanang ibili si Lucha ng pasalubong ngunit tumanggi si Joan kasi hindi daw healthy para kay Lucha ung balak kong bilihin. So, no choice naman ako at sinunod na lang si Joan kasi alam nya ang makakabuti para kay Lucha. Dito ko rin unang nalaman ang paborito nyang kainin at ito ay "Magic Flakes". Napakasimpleng babae ni Joan, hindi ko lubos isipin na kahit dun sya lumaki at nagkaisip sa Canada e Majic Flakes lang pala paborito nya. Hindi rin siya katulad ng ibang balikbayan na pagbalik dito e puro na ingles, maarte at kung minsan ay suplada pa.

Muli ko siyang tinitigan. Isang titig na mainit at sumusukat ng pagkahumaling. At mula sa mga titig na yun napagtanto na hindi ako nagkamali sa desisyon na siya ay ligawan. Umuwi kaming may dala akong tiwala at pag-asa na aking nararamdaman.. <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento