Sabado, Marso 15, 2014

Ang pagtatampo (part 2)



Dumating ang tanghali at wala paring mensahe mula sa kanya. Kalimitan tatanungin nya ako kung "naglunch ka na ba?", "di pa break?". Mga hinahanap kong mensahe na hindi ko natatanggap at unti-unting nagpapalungkot buong maghapon. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko mapigilang mangamba at mabalisa,, nag-aalala sa kanya kung "may sakit ba sya?", "nasa hospital ba sya?" o talagang ginawa nya lang akong pantanggal ng inip habang andito sya sa Pinas.

Nabubuo na sa aking isip ang mga kelangan gawin kung sakaling hindi parin siya magreply;
1. magpopost ako sa Facebook account nya na:
"I will totally miss you, at kung sakali maisipan mo na humanap ng makakasama at makakausap e handa akong maghintay hanggang sa ating susunod na pagkikita kung magkakaroon ng pagkakataon."
2. magtetext na ba ako sa kapatid nya para tanungin kung:
"kamusta na ba si Joan, busy ba siya?"
3. tatawag na ba ako sa phone nya? (that time, wala akong pantawag kaya't balak ko e sa gabi)
"panu kung hindi nya sagutin ang mga tawag ko?"
4. pupunta na ba ako sa bahay nila para silipin sya?
"panu naman kung hindi sya magpakita sa akin?"

"Napakahirap talaga ng mga pagkakataong ganito, sakit sa ulo, 
nakakatense, nakakabagabag ng damdamin at higit sa lahat ay nakakapangulila." 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento