mahal karin ng minamahal mo"
"We'll make the best out of something we have"
Biyernes, Marso 28, 2014
Biyernes, Marso 21, 2014
Ang pagtatampo (part 3:what a relieve!! :D)
Lumipas ang buong maghapon, wala pa ding text kahit na blanko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na muling makatanggap ng mensahe mula sa kanya. At patuloy padin akong nagpapadala ng mensahe sa kanya, until I succeeded!!!
she replied: "Gandang hap0n! So haw d0es it feel na d kita tnitxt?" (exact message transcript)
It was past 6pm nadin nang magreply sya. Para akong nabunutan ng tinik sa paa, mga ngiting lumampas sa tenga na umabot pa hanggang langit ang natamo at pagkabalisa na napalitan ng ligaya.
Ayon sa kanya, may nagawa daw akong pagkukulang sa kanya (I'm not to share it for readers) na hindi nya nagustuhan at ikinasama nya ng loob. As I told her:
me: Di ko na uulitin, next time magpapaalam na ako.
Joan: Okay lang, basta sa susunod inform mo ako
what a relieve!! :D
..may mga maliliit na bagay na maaring makasira ng relasyon. hanggat maari ay iwasan ito para mapatibay ang relasyon at di humantong sa hiwalayan..
Martes, Marso 18, 2014
Ano ba ang salitang "Monthsary"?.
Ito ay isang salita na ginagamit at naiintindihan nakakarami; ngunit, hindi mo ito kailanman makikita sa diksyonaryo. Ginawa lang ang salitang ito para sa mga taong naghahangad na maipagdiwang ang bawat buwan na nagdaan at pinagsasamahan ng bawat isa. Humahangad na lumago at magpatuloy para makabuo ng isang "Anibersaryo" at ninanais ipagpatuloy hanggang sa magbunga ang pagmamahalan.
more months to come and soon..,we are to celebrate anniversary.. <3
Lunes, Marso 17, 2014
"In the Law of Gravity,
an object with a heavier mass falls faster.
But in the Law of Love;
size, height, length or even phases does not mater.
Because you'll never know when you're
going to fall..."
_______________________________________________________________________
happy first month,, we are not to count months,
but we are to count decades.
i love you..
Sabado, Marso 15, 2014
Ang pagtatampo (part 2)
Dumating ang tanghali at wala paring mensahe mula sa kanya. Kalimitan tatanungin nya ako kung "naglunch ka na ba?", "di pa break?". Mga hinahanap kong mensahe na hindi ko natatanggap at unti-unting nagpapalungkot buong maghapon. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko mapigilang mangamba at mabalisa,, nag-aalala sa kanya kung "may sakit ba sya?", "nasa hospital ba sya?" o talagang ginawa nya lang akong pantanggal ng inip habang andito sya sa Pinas.
Nabubuo na sa aking isip ang mga kelangan gawin kung sakaling hindi parin siya magreply;
1. magpopost ako sa Facebook account nya na:
Nabubuo na sa aking isip ang mga kelangan gawin kung sakaling hindi parin siya magreply;
1. magpopost ako sa Facebook account nya na:
"I will totally miss you, at kung sakali maisipan mo na humanap ng makakasama at makakausap e handa akong maghintay hanggang sa ating susunod na pagkikita kung magkakaroon ng pagkakataon."2. magtetext na ba ako sa kapatid nya para tanungin kung:
"kamusta na ba si Joan, busy ba siya?"3. tatawag na ba ako sa phone nya? (that time, wala akong pantawag kaya't balak ko e sa gabi)
"panu kung hindi nya sagutin ang mga tawag ko?"4. pupunta na ba ako sa bahay nila para silipin sya?
"panu naman kung hindi sya magpakita sa akin?"
"Napakahirap talaga ng mga pagkakataong ganito, sakit sa ulo,
nakakatense, nakakabagabag ng damdamin at higit sa lahat ay nakakapangulila."
Biyernes, Marso 14, 2014
Ang pagtatampo (part 1)
Laking hirap pag nagtampo ang taong inaasahan na makatuluyan mo at napakihirap din palang maghintay sa hindi dumadating na mensahe.. It was sunday evening nung huli akong
nakatanggap ng mensahe mula sa kanya, walang “goodnight” messages na
dumating sa akin at maging sa kanya. At ang masama pa nuon e natulugan ko pa
sya. So the following day, as early as 5:45, I texted her
"goodmorning", hardly waiting if there would be a response coming from
her. 2 hours passed but a single message has not been received. So dun palang sa panahong iyun e may hinala na ako na may mali na nangyayari. I texted her again saying “wala
man lang goodmorning bang jan?” and then she replied “goodmorning” but nothing
follows.
Upon waiting for her next response, speculation comes in my mind.
1. Ni reject nya kaya ung effort ko kasi di naman effective ung atake ko sa
kanya?
2. Galit kaya siya sa akin pero ayaw niyang sabihin ang dahilan, kasi ayaw
niyang masaktan ako..
3. Kinalimutan na lang nya kaya ako bigla at.
4. Binalikan na nya kaya ung nakaraan nya at tuloyang isinantabi ang
kasalukuyan.
"O' kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata"
lahat pala ay maaring mawala na lang ng di mo inaasahan,
ingatan mo na lang ang mga taong nagbigay sayo ng pagpapahalaga.
ingatan mo na lang ang mga taong nagbigay sayo ng pagpapahalaga.
Lunes, Marso 10, 2014
SINO BA SI LUCHA??
She is Zyrah Antonette a.k.a. Lucha, the daughter of Joan. Bakit daw Lucha ang tawag sa kanya? Kasi nung panahong isinilang sya e halos kasabayan nya ang anak ni Juday at Ryan na si Baby Lucho. Ayon kay Joan, si Lucha ay makulit, malikot, nagsasalita mag-isa, takbo ng takbo at kung minsan e naglalambing din. Hindi mo aasahan kung kelan sya maglalambing kasi bigla na lang syang magsasabi "iloveyou mama".
Nung una ko syang makita, napagtanto ko na hindi lang pala si Joan ang dapat kong ligawan. Pati din pala si Lucha ay liligawan ko pa rin. Saan ko kaya siya mai-date? hehe
Huwebes, Marso 6, 2014
February 2, 2014.. our first date (last part)
Nagpasya kaming magpunta ng Supermarket para bumili ng food supplies ni Lucha. Balak ko sanang ibili si Lucha ng pasalubong ngunit tumanggi si Joan kasi hindi daw healthy para kay Lucha ung balak kong bilihin. So, no choice naman ako at sinunod na lang si Joan kasi alam nya ang makakabuti para kay Lucha. Dito ko rin unang nalaman ang paborito nyang kainin at ito ay "Magic Flakes". Napakasimpleng babae ni Joan, hindi ko lubos isipin na kahit dun sya lumaki at nagkaisip sa Canada e Majic Flakes lang pala paborito nya. Hindi rin siya katulad ng ibang balikbayan na pagbalik dito e puro na ingles, maarte at kung minsan ay suplada pa.
Muli ko siyang tinitigan. Isang titig na mainit at sumusukat ng pagkahumaling. At mula sa mga titig na yun napagtanto na hindi ako nagkamali sa desisyon na siya ay ligawan. Umuwi kaming may dala akong tiwala at pag-asa na aking nararamdaman.. <3
Miyerkules, Marso 5, 2014
February 2, 2014.. our first date (part 3)
Pagkatapos naming manood ng sine ay naglakad kami ng hindi alam kung saan ang patungo. Nakarating kami sa section ng PICK-UP LINE SHIRTS. At duon mismo sa section na iyon ay may nabasa kaming statement na animo'y sumakto kung paano kami nagtagpo at kung paano nabuo ang aming pagsasamahan. Pawang kami ay parehas na natuwa at nahumaling na bilihin ang damit pero hindi naman sumakto ang sukat nito kaya't umalis na lang kami para muling kumain.. :D
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)










