Linggo, Hulyo 13, 2014

Ayos Lang na Lumabis, Wag Lang Magkulang!


Simula’t sapul, nakatatak na sa isipan ko na “Gusto ko ng lalaki na parang babae….umibig.” Siguro naman lahat ng babae ninanais rin ang ganung klaseng pagmamahal at relasyon na kung saan;

Parang babae kung umibig.

Parang babae kung umunawa.

Parang babae kung mag-alaga.

Parang babae magpahalaga, at

Parang babae magparamdam ng pagmamahal niya.



Yung pag-ibig na, ayos lang na lumabis, wag lang magkulang.

Seryoso, tapat at totohanan.

Hindi ka magawang saktan

Kaya kang ipagsigawan, at

Hindi ka basta-basta iiwan.



Hindi lang malambing sa salita,

Kundi pati sa gawa.

Sa iyo’y buo ang tiwala.

May malinis na intensyon.

Binibigyan ka ng sapat na atensyon.

Matitino ang layunin, at

Rumirespeto sa lahat ng gawain.



Yung tipong, madalas kang kinukumusta para lang masigurado na ayos ka.

Nariyan lang siya pag nangangailangan ka.

Dadamayan ka sa mga problema.

Susuyuin ka kapag nagtatampo ka, at

Hindi  palalampasin ang gabi hangga’t di kayo nagkakaayos dalawa.



Lalaki na, marunong makuntento sa isa.

Hindi mag hahanap ng pangalawa, tatlo o higit pa.

May lakas ng loob na ipakilala ka niya sa kanyang pamilya.

Maging sa mga kaibigan niya at mga taong malalapit sa buhay niya.



Yun bang, kailanman hindi bababa ang tingin niya sayo.

Hindi ka itatanggi sa kahit na sino.

Papahalagahan ang lahat ng ginagawa mo.

Sa problema kayo’y salu-salo, at

Ikaw lang ang nag-iisa’t numero uno.



Yung pakiramdam na hindi ka ikinukumpura sa iba.

Ikaw yung perpektong babae para sa kanya.

Palaging pinaparamdam ang pagmamahal niya.

At alam niya kung panu ka pinapasaya.



Yung mga pagkakataong, pinapatawa’y pimapangiti ka.

At ang nakakakilig eh yung pag nagseselos siya.

Pag nakikita ka niya abot tenga yung ngiti niya.

At sa mahigpit na yakap, tagos hanggang buto ang ramdam mo so pagmamahal niya.


copyright: http://ristelsmilelaughlove.wordpress.com/2013/03/03/ayos-lang-na-lumabis-wag-lang-magkulang/

Sabado, Abril 5, 2014

February 14, 2014... Valentines Day

Years have passed and I felt this warmth again. The feeling I've been seeking for years.

      Valentines day na at wala parin akong naiisip kung san sya pedeng i-date. I was supposed to brought her on Bamboo's Valentines Concert at De La Salle Lipa, pero hindi daw naman siya mahilig sa mga concerts. Iisa na lang ang pede kong gawin at yun ay ang pumunta sa bahay nila para dun siya dalawin.  
      Luckily did, nagdala naman ako ng pizza from Greenwich (kasi tagline nila dati e "ang cheesy mo naman") para may makain naman. Plano ko dapat na isulat ang katagang ito sa pizza box:


      Nagdalawang isip ako ng isulat ito kasi alam kong baka hindi niya pa ibigay ang matatamis niyang "Oo" sa akin nung mga panahon iyon. Hindi nga ako nagkamali sa instincts ko, kasi hindi ko nga nakamit un. Her words to me was: "nagmamadali ka?". 

      So, we just spent to whole night talking about plans together if we would settle down. Sa sobrang sarap ng kwentuhan e parang ayaw ko ng umuwi. Bigo man akong nakuha yung pakay ng araw na yun e solve na din kasi nakasama ko sya sa isang araw na mahalaga lalo na't Araw ng mga Puso.. Alam ko namang darating ang panahon na makukuha ko nga un sa kanya, hindi pa lang sa araw na to.



"Kung susuko ka agad, wala kang mapapala!"

Biyernes, Marso 28, 2014

"Masarap magmahal lalo na kung 
mahal karin ng minamahal mo" 
"May mga bagay na nakatakdang mangyari at ito ay naka-plano sa tamang panahon."

We met unexpectedly, I fell in-love quick yet surely, I courted her then, today, and tomorrow.
    once in a blue moon sya umuwi (every 3 years) tapos nakilala ko pa sya ng di inaasahang panahon at pagkakataon.

Biyernes, Marso 21, 2014

Ang pagtatampo (part 3:what a relieve!! :D)

Lumipas ang buong maghapon, wala pa ding text kahit na blanko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na muling makatanggap ng mensahe mula sa kanya. At patuloy padin akong nagpapadala ng mensahe sa kanya, until I succeeded!!!

she replied: "Gandang hap0n! So haw d0es it feel na d kita tnitxt?" (exact message transcript)

It was past 6pm nadin nang magreply sya. Para akong nabunutan ng tinik sa paa, mga ngiting lumampas sa tenga na umabot pa hanggang langit ang natamo at pagkabalisa na napalitan ng ligaya. 

Ayon sa kanya, may nagawa daw akong pagkukulang sa kanya (I'm not to share it for readers) na hindi nya nagustuhan at ikinasama nya ng loob. As I told her:

me: Di ko na uulitin, next time magpapaalam na ako.
Joan: Okay lang, basta sa susunod inform mo ako

what a relieve!! :D

..may mga maliliit na bagay na maaring makasira ng relasyon. hanggat maari ay iwasan ito para mapatibay ang relasyon at di humantong sa hiwalayan..

Martes, Marso 18, 2014

Ano ba ang salitang "Monthsary"?

Ito ay isang salita na ginagamit at naiintindihan nakakarami; ngunit, hindi mo ito kailanman makikita sa diksyonaryo. Ginawa lang ang salitang ito para sa mga taong naghahangad na maipagdiwang ang bawat buwan na nagdaan at pinagsasamahan ng bawat isa. Humahangad na lumago at magpatuloy para makabuo ng isang "Anibersaryo" at ninanais ipagpatuloy hanggang sa magbunga ang pagmamahalan.
















more months to come and soon..,we are to celebrate anniversary..  <3




Lunes, Marso 17, 2014

"In the Law of Gravity
an object with a heavier mass falls faster
But in the Law of Love;
size, height, length or even phases does not mater. 
Because you'll never know when you're 
going to fall..."
_______________________________________________________________________
happy first month,,  we are not to count months, 
but we are to count decades.
i love you..

Sabado, Marso 15, 2014

"I'd rather have BAD times with you,
than GOOD times with someone else"
-Luther Vandross
Ang pagtatampo (part 2)



Dumating ang tanghali at wala paring mensahe mula sa kanya. Kalimitan tatanungin nya ako kung "naglunch ka na ba?", "di pa break?". Mga hinahanap kong mensahe na hindi ko natatanggap at unti-unting nagpapalungkot buong maghapon. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko mapigilang mangamba at mabalisa,, nag-aalala sa kanya kung "may sakit ba sya?", "nasa hospital ba sya?" o talagang ginawa nya lang akong pantanggal ng inip habang andito sya sa Pinas.

Nabubuo na sa aking isip ang mga kelangan gawin kung sakaling hindi parin siya magreply;
1. magpopost ako sa Facebook account nya na:
"I will totally miss you, at kung sakali maisipan mo na humanap ng makakasama at makakausap e handa akong maghintay hanggang sa ating susunod na pagkikita kung magkakaroon ng pagkakataon."
2. magtetext na ba ako sa kapatid nya para tanungin kung:
"kamusta na ba si Joan, busy ba siya?"
3. tatawag na ba ako sa phone nya? (that time, wala akong pantawag kaya't balak ko e sa gabi)
"panu kung hindi nya sagutin ang mga tawag ko?"
4. pupunta na ba ako sa bahay nila para silipin sya?
"panu naman kung hindi sya magpakita sa akin?"

"Napakahirap talaga ng mga pagkakataong ganito, sakit sa ulo, 
nakakatense, nakakabagabag ng damdamin at higit sa lahat ay nakakapangulila." 



Biyernes, Marso 14, 2014

Ang pagtatampo (part 1)

Laking hirap pag nagtampo ang taong inaasahan na makatuluyan mo at napakihirap din palang maghintay sa hindi dumadating na mensahe..  It was sunday evening nung huli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kanya, walang “goodnight” messages na dumating sa akin at maging sa kanya. At ang masama pa nuon e natulugan ko pa sya. So the following day, as early as 5:45, I texted her "goodmorning", hardly waiting if there would be a response coming from her. 2 hours passed but a single message has not been received. So dun palang sa panahong iyun e may hinala na ako na may mali na nangyayari. I texted her again saying “wala man lang goodmorning bang jan?” and then she replied “goodmorning” but nothing follows.

Upon waiting for her next response, speculation comes in my mind.

1. Ni reject nya kaya ung effort ko kasi di naman effective ung atake ko sa kanya?
2. Galit kaya siya sa akin pero ayaw niyang sabihin ang dahilan, kasi ayaw niyang masaktan ako..
3. Kinalimutan na lang nya kaya ako bigla at.
4. Binalikan na nya kaya ung nakaraan nya at tuloyang isinantabi ang kasalukuyan.


"O' kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata"
lahat pala ay maaring mawala na lang ng di mo inaasahan, 
ingatan mo na lang ang mga taong nagbigay sayo ng pagpapahalaga.

Miyerkules, Marso 12, 2014

Lunes, Marso 10, 2014

SINO BA SI LUCHA??

She is Zyrah Antonette a.k.a. Lucha, the daughter of Joan. Bakit daw Lucha ang tawag sa kanya? Kasi nung panahong isinilang sya e halos kasabayan nya ang anak ni Juday at Ryan na si Baby Lucho. Ayon kay Joan, si Lucha ay makulit, malikot, nagsasalita mag-isa, takbo ng takbo at kung minsan e naglalambing din. Hindi mo aasahan kung kelan sya maglalambing kasi bigla na lang syang magsasabi "iloveyou mama". 

Nung una ko syang makita, napagtanto ko na hindi lang pala si Joan ang dapat kong ligawan. Pati din pala si Lucha ay liligawan ko pa rin. Saan ko kaya siya mai-date? hehe 

Huwebes, Marso 6, 2014

February 2, 2014.. our first date (last part)

Nagpasya kaming magpunta ng Supermarket para bumili ng food supplies ni Lucha. Balak ko sanang ibili si Lucha ng pasalubong ngunit tumanggi si Joan kasi hindi daw healthy para kay Lucha ung balak kong bilihin. So, no choice naman ako at sinunod na lang si Joan kasi alam nya ang makakabuti para kay Lucha. Dito ko rin unang nalaman ang paborito nyang kainin at ito ay "Magic Flakes". Napakasimpleng babae ni Joan, hindi ko lubos isipin na kahit dun sya lumaki at nagkaisip sa Canada e Majic Flakes lang pala paborito nya. Hindi rin siya katulad ng ibang balikbayan na pagbalik dito e puro na ingles, maarte at kung minsan ay suplada pa.

Muli ko siyang tinitigan. Isang titig na mainit at sumusukat ng pagkahumaling. At mula sa mga titig na yun napagtanto na hindi ako nagkamali sa desisyon na siya ay ligawan. Umuwi kaming may dala akong tiwala at pag-asa na aking nararamdaman.. <3

Miyerkules, Marso 5, 2014

February 2, 2014.. our first date (part 3)


Pagkatapos naming manood ng sine ay naglakad kami ng hindi alam kung saan ang patungo. Nakarating kami sa section ng PICK-UP LINE SHIRTS. At duon mismo sa section na iyon ay may nabasa kaming statement na animo'y sumakto kung paano kami nagtagpo at kung paano nabuo ang aming pagsasamahan. Pawang kami ay parehas na natuwa at nahumaling na bilihin ang damit pero hindi naman sumakto ang sukat nito kaya't umalis na lang kami para muling kumain.. :D


Sabado, Marso 1, 2014

"Ang buhay, parang love... madadapa ka muna bago ka matuto.."

Biyernes, Pebrero 28, 2014

PAWANG MGA PROPESYONAL:
WAG TUTULARAN

Mastermind: Ian Marc Hernandez
Mga Kasabwat: Harrold Bathan; Diona Dimapasok

Isang araw, nag set-up si Ian na manuod ng sine. At dahil wala siyang makasama e niyaya niya si Diona. At dahil walang ring ibang makasama si Diona e niyaya nya si Harrold. Sila ang tatlong dahilan kung bakit kami nagkatagpo. 

Eto namang si Harrold(kasabwat) e niyaya ako para hindi daw sya ma-bored sa panonood, at dahil wala naman akong gagawin ng araw na yun e agad akong pumayag. Si Joan naman ay nagkataon na wala ring gagawin kaya napasama siya sa lakad na iyon. At dun na nga nagsimula ang aming kwento. Salamat sa kanilang tatlo. kundi dahil sa kanila; walang kami!!!.. :D


Huwebes, Pebrero 27, 2014

February 2, 2014.. our first date (hiiden fillers)

..sabi nila, if a person stares at you for 6 seconds, she has an INTEREST on you. But if she did it consecutively, no more second thoughts, she LIKES you.

me: napapansin mo ba akong tinititigan ka? :)
joan: oo, daming beses nga e..
joan: e ako, pansin mong tinititigan din kita? :D
me: talaga? kelan? di ko pansin.

All the time na magkasama kami, di ko man lang sya nahuli na nakatitig sya sa akin. Nung narinig ko sa kanya na ninanakawan nya pala ako ng tingin, bigla akong sumaya nang di tulad ng simpleng saya lang. Saya na di kayang palitan ng kahit anung bagay. para akong Rebisco, "ang sarap ng feeling ko"

para akong Rebisco, "ang sarap ng feeling ko"



Miyerkules, Pebrero 26, 2014

February 2, 2014.. our first date (part 2)

Pagdating namin sa mall, napansin ko na gutom na siya, siguro dahil sa matagal na paghihintay sakin dahil late ako. So, I invited her take lunch before we go on with the plan. Ang sarap nyang tingnan habang naghahanap kami ng pagkain. Sa mga oras din na yun e may tumatakbo na sa isipan ko kung paano kami magsasama sa hinaharap. Speculating is not easy, kasi baka mabasted lang.. hehe

After we ate, I decided to invite her watch a movie. While inside the movie house I was staring at her all the time. Di ko alam kung bakit ako nahumaling na titigan sya. Siguro dahil Ginto lang yung nasa harap ko pero Diamante naman ung nasa tabi ko! Di ko na nga naintindihan yung pinapanood namin kasi mas feel kong panoodin siya kesa pelikula. I see her much interesting than anything or anyone around us.. And then, I realized that I already loved her. :D

**minsan, unang tingin mo pa lang sa isang bagay, alam mo na ito ay significant sayo. no words can define love..

Lunes, Pebrero 24, 2014

February 2, 2014.. our first date (part 1)


I am to meet and fetch her at their store. We are planned to meet at 10:30am, and unfortunately I was late for almost 1 hour. I also informed her that I will be late for that day para hindi naman siya magalit sa akin. It was 11:30 nung dumating ako sa tindahan, hindi ko siya makita! Her Ate Diona told me: "nasa taas si Joan, puntahan mo dun." Hindi ako umakyat kasi, hindi naman ako sanay pumasok ng kwarto ng iba kahit may pahintulot. So, I texted informing her that I'm already waiting  downstairs. Sampung minuto na ang nakalipas at wala parin akong natatanggap na reply. So, I decided to go upstairs and look for her. 

me: tara na?
Joan: next time, ayoko nang late!
me: sorry ha, di na mauulit.

Then, we go downstairs and go to the place where we supposed to go..


**12:35 nadin kami nakaalis ng tindahan, kalako nagalit sya kasi late ako, buti at hindi naman... :)

Sabado, Pebrero 22, 2014

Habang nasa mall kami, may nakita akong mirror nung napadaan kami sa KFC.. then sabay akbay sa kanya.. 


me: tingin ka sa salamin.(while i'm making akbay)

joan: bakit?
me: tingnan mo, bagay pala talaga tayong dalawa.
joan: lolx.. :)
                
**magdamag akong naghahanap ng chance para sabihin un.. buti na lang at napadaan kami ng KFC at saktong may nkita akong mirror. then i grabbed the chance to do it. And nakita ko naman siyang nag-smile, so it means, hindi ako pumalya. :D
January 24, 2014... ang aking pangalwang punta sa kanila.. At dahil sumablay ako sa una atake (nung january 19), kelangang bumawi ng todo para hindi mapahiya. 


So yung naisip ko, bakit hindi ko sya haranahin? So I planned for the best song to sing for her. Unang pumasok sa isipan ko ang "I wanna grow old with you". 



kaming dalawa lng sa harap ng bahay nila, nakaupo habang magkatabi sa upuang bato sa ilalim ng buwan at napakalamig pa ng simoy ng hangin, sabay sabing: "may kanta ako para sayo!". sabay kulbit sa gitara kong dala.


kahit todo ensayo na ako e sumablay parin ung pagtugtug ko ng gitara. ewan ko ba kung bakit kung kelan andun na e saka pa sumablay pero naitawid ko naman at nagustuhan din naman nya. :)

**i don't own the video, copyright to the owner.. thanks
"E kasi naman.. ang katawan mo anjan pero ang puso't isipan mo asa pinas"
#cheesymuch #kilig

kahit na magkalayo tayo, we still find ways to contact each other.. :)

Biyernes, Pebrero 21, 2014

PICK UP LINE SESSION!!!

me: Alam mo, pag sinagot mo ako, para na akong sirang electricfan..
joan: oh my God! eto na naman.. bakit? :)
me: Kasi pag naging tayo, di na ako LILINGON pa sa iba.. :)
joan: lols, adik ka! hahaha

**note: ang sirang electicfan na hindi pumapaling na pa-left and right..

Eto unang love letter ko sa kanya, 
at dahil wala akong makitang masulatan e pumunit
na lang ako ng karton sa tabi ng kubo nila.
ang sabi nya ay ipang-sisindi daw nya ng apoy,.
Pero nasan ngaun, parang dala nya ata sa Canada..
(click readmore or magbasa nang higit pa to decode)

Huwebes, Pebrero 20, 2014

January 19, 2014..unang beses kong dumalaw sa bahay nila at ito ay napakalaking failure!!! 


1. ang daming miron (di ako makadiskarte ng style ko kasi na harap namin sila)

2. nasapawan na ako (di na ako maimik, kasi mas malakas pang magkwento ung kasama ko, sira na diskarte)
3. tensionado na ako at di na nakapaglahad ng damdamin sa kanya
4. tameme na ako at wala nang imik habang katabi nya.
5  wala na akong ibang maisip kundi ang umuwi na kasi walang kwenta ang gabing un.


**wala na lang akong nagawa kundi magsorry sa kanya sa text tungkol sa nangyari ng gabing un at nangakong di na mauulit yung gabing un.



eto sabi nya: "okay lang basta wag ka na lang ulit na mahihiya next time"



buti at di sya nadismaya.. :) swerte paren haha
sabi nya sa akin, magkaiba daw kami ng hilig at baka di kami magkasundo.
eto naman ang banat ko sa kanya---

"remember the law of magnetism?,
opposite charge attracts each other, and same charges repels each other"

in conclusion, perfectly fit kami and ready to attract with each other.. :)

First date part1
nagpunta kami ng yellow cab

scenario---
me: joan, kita mo ung babae?
joan: saan?
me: yun o, yung naka-red, ang ganda!
joan: oo nga...
me: pero ikaw ang naman ang gusto ko. (sabay smile sa kanya)
joan: hahaha, ewan ko sayo!!!.. (smile din sya!)

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

moving to next stage is a big risk, but how can we conquer the future if we would not try.BOTO ang Inay sa kanya.. :)
"love is like ampalaya,
bitter pero healthy"

Bitter ako!, kasi inaasahan kong magkikita kami sa weekends  Hang out kung saan, tambay sa bahay nila at kwentuhan ng mga plano sa buhay. Pero we have to make an adjustments na din kasi LDR (longdistancerelationship) nga ang setup namin. inaabangan ko na lang ang araw na kami ay muling magkasama. :)

eto yung huling salita na sinabi ko sa kanya nung pauwi na kami.

"Sa uulitin!!!" 

I never hoped na makilala at makasama ko ulit sya after the day we first met. 
But look, nakilala ko na sya at nakasama pang muli.
at may bonus pa nabingwit pa nya ang puso ko... <3

Martes, Pebrero 18, 2014

PRICELESS SMILE...



January 13, 2014...
I got a chance to know her with the help of a friend. I got her name, phone number and also her address.
Bits of information about her was also addressed to me.

Its been a small world ika nga nila.
1. magkumpare/mare pala ung mga magulang namin (1 point)
2. klasmeyt ng inay ang tito nya (2 points na!)
3. matagal ko nang kilala ang pamilya nya, pero bakit sya, hindi ko kilala!!!?? 

What a small world talaga.. hahaha



January 12, 2014 ang unang araw na nagkakilala kami sa hindi sinasadyang pagkakataon. Hindi ko man lang siya napansin sa una naming pagkikita at ganun din siya sa akin. Tanging mga mata lang namin ang nag-usap noong mga oras na iyon. walang imikan, walang kibuan, in-short - simpleng chaperon lang ng nagyayang bata sa amin.

I was totally blind who really she is. I don't even know her name nor the address.
The only thing that i could only remember is her smile.