Ayos Lang na Lumabis, Wag Lang Magkulang!
Simula’t sapul, nakatatak na sa isipan ko na “Gusto ko ng lalaki na parang babae….umibig.” Siguro naman lahat ng babae ninanais rin ang ganung klaseng pagmamahal at relasyon na kung saan;
Parang babae kung umibig.
Parang babae kung umunawa.
Parang babae kung mag-alaga.
Parang babae magpahalaga, at
Parang babae magparamdam ng pagmamahal niya.
Yung pag-ibig na, ayos lang na lumabis, wag lang magkulang.
Seryoso, tapat at totohanan.
Hindi ka magawang saktan
Kaya kang ipagsigawan, at
Hindi ka basta-basta iiwan.
Hindi lang malambing sa salita,
Kundi pati sa gawa.
Sa iyo’y buo ang tiwala.
May malinis na intensyon.
Binibigyan ka ng sapat na atensyon.
Matitino ang layunin, at
Rumirespeto sa lahat ng gawain.
Yung tipong, madalas kang kinukumusta para lang masigurado na ayos ka.
Nariyan lang siya pag nangangailangan ka.
Dadamayan ka sa mga problema.
Susuyuin ka kapag nagtatampo ka, at
Hindi palalampasin ang gabi hangga’t di kayo nagkakaayos dalawa.
Lalaki na, marunong makuntento sa isa.
Hindi mag hahanap ng pangalawa, tatlo o higit pa.
May lakas ng loob na ipakilala ka niya sa kanyang pamilya.
Maging sa mga kaibigan niya at mga taong malalapit sa buhay niya.
Yun bang, kailanman hindi bababa ang tingin niya sayo.
Hindi ka itatanggi sa kahit na sino.
Papahalagahan ang lahat ng ginagawa mo.
Sa problema kayo’y salu-salo, at
Ikaw lang ang nag-iisa’t numero uno.
Yung pakiramdam na hindi ka ikinukumpura sa iba.
Ikaw yung perpektong babae para sa kanya.
Palaging pinaparamdam ang pagmamahal niya.
At alam niya kung panu ka pinapasaya.
Yung mga pagkakataong, pinapatawa’y pimapangiti ka.
At ang nakakakilig eh yung pag nagseselos siya.
Pag nakikita ka niya abot tenga yung ngiti niya.
At sa mahigpit na yakap, tagos hanggang buto ang ramdam mo so pagmamahal niya.
copyright: http://ristelsmilelaughlove.wordpress.com/2013/03/03/ayos-lang-na-lumabis-wag-lang-magkulang/