PAWANG MGA PROPESYONAL:
Mastermind: Ian Marc Hernandez
Mga Kasabwat: Harrold Bathan; Diona Dimapasok
Isang araw, nag set-up si Ian na manuod ng sine. At dahil wala siyang makasama e niyaya niya si Diona. At dahil walang ring ibang makasama si Diona e niyaya nya si Harrold. Sila ang tatlong dahilan kung bakit kami nagkatagpo.
Eto namang si Harrold(kasabwat) e niyaya ako para hindi daw sya ma-bored sa panonood, at dahil wala naman akong gagawin ng araw na yun e agad akong pumayag. Si Joan naman ay nagkataon na wala ring gagawin kaya napasama siya sa lakad na iyon. At dun na nga nagsimula ang aming kwento. Salamat sa kanilang tatlo. kundi dahil sa kanila; walang kami!!!.. :D










