Linggo, Hulyo 13, 2014

Ayos Lang na Lumabis, Wag Lang Magkulang!


Simula’t sapul, nakatatak na sa isipan ko na “Gusto ko ng lalaki na parang babae….umibig.” Siguro naman lahat ng babae ninanais rin ang ganung klaseng pagmamahal at relasyon na kung saan;

Parang babae kung umibig.

Parang babae kung umunawa.

Parang babae kung mag-alaga.

Parang babae magpahalaga, at

Parang babae magparamdam ng pagmamahal niya.



Yung pag-ibig na, ayos lang na lumabis, wag lang magkulang.

Seryoso, tapat at totohanan.

Hindi ka magawang saktan

Kaya kang ipagsigawan, at

Hindi ka basta-basta iiwan.



Hindi lang malambing sa salita,

Kundi pati sa gawa.

Sa iyo’y buo ang tiwala.

May malinis na intensyon.

Binibigyan ka ng sapat na atensyon.

Matitino ang layunin, at

Rumirespeto sa lahat ng gawain.



Yung tipong, madalas kang kinukumusta para lang masigurado na ayos ka.

Nariyan lang siya pag nangangailangan ka.

Dadamayan ka sa mga problema.

Susuyuin ka kapag nagtatampo ka, at

Hindi  palalampasin ang gabi hangga’t di kayo nagkakaayos dalawa.



Lalaki na, marunong makuntento sa isa.

Hindi mag hahanap ng pangalawa, tatlo o higit pa.

May lakas ng loob na ipakilala ka niya sa kanyang pamilya.

Maging sa mga kaibigan niya at mga taong malalapit sa buhay niya.



Yun bang, kailanman hindi bababa ang tingin niya sayo.

Hindi ka itatanggi sa kahit na sino.

Papahalagahan ang lahat ng ginagawa mo.

Sa problema kayo’y salu-salo, at

Ikaw lang ang nag-iisa’t numero uno.



Yung pakiramdam na hindi ka ikinukumpura sa iba.

Ikaw yung perpektong babae para sa kanya.

Palaging pinaparamdam ang pagmamahal niya.

At alam niya kung panu ka pinapasaya.



Yung mga pagkakataong, pinapatawa’y pimapangiti ka.

At ang nakakakilig eh yung pag nagseselos siya.

Pag nakikita ka niya abot tenga yung ngiti niya.

At sa mahigpit na yakap, tagos hanggang buto ang ramdam mo so pagmamahal niya.


copyright: http://ristelsmilelaughlove.wordpress.com/2013/03/03/ayos-lang-na-lumabis-wag-lang-magkulang/

Sabado, Abril 5, 2014

February 14, 2014... Valentines Day

Years have passed and I felt this warmth again. The feeling I've been seeking for years.

      Valentines day na at wala parin akong naiisip kung san sya pedeng i-date. I was supposed to brought her on Bamboo's Valentines Concert at De La Salle Lipa, pero hindi daw naman siya mahilig sa mga concerts. Iisa na lang ang pede kong gawin at yun ay ang pumunta sa bahay nila para dun siya dalawin.  
      Luckily did, nagdala naman ako ng pizza from Greenwich (kasi tagline nila dati e "ang cheesy mo naman") para may makain naman. Plano ko dapat na isulat ang katagang ito sa pizza box:


      Nagdalawang isip ako ng isulat ito kasi alam kong baka hindi niya pa ibigay ang matatamis niyang "Oo" sa akin nung mga panahon iyon. Hindi nga ako nagkamali sa instincts ko, kasi hindi ko nga nakamit un. Her words to me was: "nagmamadali ka?". 

      So, we just spent to whole night talking about plans together if we would settle down. Sa sobrang sarap ng kwentuhan e parang ayaw ko ng umuwi. Bigo man akong nakuha yung pakay ng araw na yun e solve na din kasi nakasama ko sya sa isang araw na mahalaga lalo na't Araw ng mga Puso.. Alam ko namang darating ang panahon na makukuha ko nga un sa kanya, hindi pa lang sa araw na to.



"Kung susuko ka agad, wala kang mapapala!"

Biyernes, Marso 28, 2014

"Masarap magmahal lalo na kung 
mahal karin ng minamahal mo" 
"May mga bagay na nakatakdang mangyari at ito ay naka-plano sa tamang panahon."

We met unexpectedly, I fell in-love quick yet surely, I courted her then, today, and tomorrow.
    once in a blue moon sya umuwi (every 3 years) tapos nakilala ko pa sya ng di inaasahang panahon at pagkakataon.

Biyernes, Marso 21, 2014

Ang pagtatampo (part 3:what a relieve!! :D)

Lumipas ang buong maghapon, wala pa ding text kahit na blanko. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na muling makatanggap ng mensahe mula sa kanya. At patuloy padin akong nagpapadala ng mensahe sa kanya, until I succeeded!!!

she replied: "Gandang hap0n! So haw d0es it feel na d kita tnitxt?" (exact message transcript)

It was past 6pm nadin nang magreply sya. Para akong nabunutan ng tinik sa paa, mga ngiting lumampas sa tenga na umabot pa hanggang langit ang natamo at pagkabalisa na napalitan ng ligaya. 

Ayon sa kanya, may nagawa daw akong pagkukulang sa kanya (I'm not to share it for readers) na hindi nya nagustuhan at ikinasama nya ng loob. As I told her:

me: Di ko na uulitin, next time magpapaalam na ako.
Joan: Okay lang, basta sa susunod inform mo ako

what a relieve!! :D

..may mga maliliit na bagay na maaring makasira ng relasyon. hanggat maari ay iwasan ito para mapatibay ang relasyon at di humantong sa hiwalayan..

Martes, Marso 18, 2014

Ano ba ang salitang "Monthsary"?

Ito ay isang salita na ginagamit at naiintindihan nakakarami; ngunit, hindi mo ito kailanman makikita sa diksyonaryo. Ginawa lang ang salitang ito para sa mga taong naghahangad na maipagdiwang ang bawat buwan na nagdaan at pinagsasamahan ng bawat isa. Humahangad na lumago at magpatuloy para makabuo ng isang "Anibersaryo" at ninanais ipagpatuloy hanggang sa magbunga ang pagmamahalan.
















more months to come and soon..,we are to celebrate anniversary..  <3




Lunes, Marso 17, 2014

"In the Law of Gravity
an object with a heavier mass falls faster
But in the Law of Love;
size, height, length or even phases does not mater. 
Because you'll never know when you're 
going to fall..."
_______________________________________________________________________
happy first month,,  we are not to count months, 
but we are to count decades.
i love you..